Tuesday, January 28, 2014

Pinas 101

Unang gabi ko palang sa Pinas e, party na agad. Wala ng patumpiktumpik pa! Pagkatapos nung debut e, sa bahay naman ang tuloy. May mobile bar sa debut kaso hangang 11pm lang kaya naman bitin kami. Mag-iinoman sana kami kasama yung mga pinsan ko at mga kaibigan niya na mga galing MNL kaso nakacheck-in na sila sa isang resort dito sa amin. Plano na din namin magswimming kaso napag-usapan na inuman na lang. Pumunta muna kami sa bahay at tumambay. Nagtakutan pa kami kaya naman nag labasan ang skills sa pagiging varsity pabilisan ng takbo e. Yung iba dala pa yung bike sa pagtakbo yung isa naman sa sobrang takot hinagis yung upuan. Tawanan na lang pagkatapos e. 3am na kami nagstart maginom. cards, yosi at shots hangang 8am. Yung isa kong kaibigan bawal malasing kaya naman coke na lang pina-inom ko sa kanya. Di ko naman alam na bawal pala yon sa kanya kaya ayon nagpalpitate siya ang kaba namin kasi may sakit sa puso yon. Haha! Nalasing siya sa coke e ((:




Good morning Jack with the gang !!
 Lupage sa saya e. =))

Yung huling gabi ko sa pinas, sila rin ang kasama ko. Dahil di na kami nakapagswimming. Nagdala na lang ng inflatable pool yung kaibigan ko. 2am na kami nagstart maginuman kasi nag-igib pa kami ng tubig para sa pool. Pero saya naman shot hangang sunrise ulit. =))


Ilan oras din kami nag-igib tas nahirapan din kami maglinis at matangal ng tubig. xD

No comments:

Post a Comment