“May wifi ba dito?” Sa lahat ata ng pupuntahan mong lugar
ang unang una mong itatanong eh may wifi ba dito? Aminin mo ganan ka. Parehas
lang tayo. Haha. Naging bahagi na ng kultura natin ang pagiinternet lalo na
madami ng social media sites ang lumalabas. Andyan ang facebook, twitter and
instagram, ang malupit pa dito magugulat ka na lang dahil mas madaming friends
ang yaya mo sa facebook, fina-follow ka din niya sa twitter at may sarili na rin siyang
instagram na puro selfie. Hahaha. At mas lalo kang magugulat kasi magpapaalam
sayo ang yaya mo para makipag eyeball sa SM megamall sa may skating rink.
Malaki rin ang epekto ng internet sa love life ng tao.
Isipin mo na lang ang mga kalalakihan na laging nabubusted sa real life na
katulad ko, pero sa virtual sadamakmak ang girlfriend. At isipin mo na
rin ang mga taong ipinanganak na good looking matapos makapagasawa ang nanay/tatay nila ng isang foreigner na nakilala dito sa internet.
Dahil sa internet bumagsak din ang mga grades ko. Kaya pag
itatanong ng parents ko kung kamusta ang grades ko, sabihin ko na lang ayon
kelangan na magdrugs para maging high. Hehe. Kaya ayon di na nila ako
binibigyan ng pera dahil sa internet na to. Tss.
PS. Wag ka gagaya sa yaya mo nakikipageyeball masama yon. =))
No comments:
Post a Comment