Mga kalokohan ko at ng barkada ko nung gradeschool kami. xD
Grade 4
Isa sa mga di ko makakalimutan na kalokohan ko nung grade 4 eh yung 30 minutes kami lagi late sa music class namin. Di ko alam kung mabait ba talaga yung teacher namin or wala lang talaga pakielam. Haha. Sup, Sir Garci! =))
Grade 5
Eto yung year na buong barkada namin ay nag-varsity. Basketball, Volleyball, Track & Field, and Soccer. Kaya tuwing division meet, wala kaming magkakabarkada sa klase, excuse kasi kami para maglaro. Seryoso naman kami pag may laro kami, pero nakakatuwa kasi manalo man o matalo anjan pa rin yung barkada mo para i-cheer ka at asarin ka pag talo kayo. I'm sure nag-cecelebrate din yung mga teacher namin pag wala kami! HAHA !!
Grade 6
Magkaka-hiwalay kami ng sections nung grade 6 kami, pero kahit ganon pa man, kami pa rin ang magkakasama tuwing recess, lunch and dismissal. Lagi kaming late ng 10 minutes sa klase kasi tumatabay pa kami sa court at dahil don, natuto na kaming gumapang! Gapang moves!!
Eto rin ang year na nag simula na magligawan at magkaroon ng kung ano anong relationships. Dito na kami natuto manuod ng sine pagkakatapos ng quarterly exams namin. Matic na yon, pagkatapos ng exams mamimili ka na lang kung sa Robinsons or sa SM ka. At tanda ko noon, 90 pesos lang sine!
Hindi ko rin makakalimutan yung lagi kami nagpapa-ulan. Yung isang couples dito sa barkada namin dun pa sa gitna ng basketball court nagligawan at pati kami sinama kaya naman may nagsumbong sa principal at pinage na lang kami sa buong school. 'Collete & Company'
Nung nagprapractice kami para sa Graduation namin, nangyari ang storya ng chupon.
Beans: Guard pede ba kami bumili sa labas?
Guard: Bawal.
Beans: Sige na badoy. Palabasin mo na kami. [tingin sa barkada at nagdrama]
Guard: Bawal nga.
Jaslil: [sabay sabi sa guard] Ala. Muka ka naman chupon!
Barkada: [tawanan ng malakas]
Guard: [asar na kinuha ang ID ni jaslil] Kunin mo na lang to sa Principal mamaya. Pede na kayo lumbas!
Hehe kelangan pa pala bargasin si Badoyy!! We miss you, Jaslil. (:
No comments:
Post a Comment