May suprise rin ba ang taong mahal mo sayo? Siguro wala ng mas sasakit pa kung ang surprise niya sayo e yung iwan ka niya sa Valentines Day. Tulad nung Idol ko, yung kaibigan ko. Sinurprise niya muna ang girlfriend niya sa isang room puno ng rosas, kandila, at harana kasama ang buong barkada namin. Pagkatapos non e, binitawan niya ang mga salitang, "Maging magkaibigan na lang tayo." Hanep diba. Kaya naman nung valentines day e, binati ko yung kaibigan ko ng happy anniversary sa pakikipagbreak kay tooth. Pagkatapos noon e, nagtawanan na lang kaming dalawa. Haha
Siguro kung may girlfriend din ako, ittry ko din yan. Isusurprise ko siya tas sabay banat "Sorry maghiwalay na lang tayo, di ko na feel na mahal mo pa ako." Jk lang. Di na yan surprise kasi sa lahat ng ex ko nagamit ko na yang linyang yan. hihi Sana di mapunta dito sa blog ko yung future na maging gf ko teehee!!

No comments:
Post a Comment